
Lirik Magkaisa
Magkaisa - Pops Fernandez
Written by:Tito Sotto/Homer Flores
Ngayon
Ganap ang hirap sa mundo
Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa'y ilaan
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala
Panahon na
Ng pagkakaisa
Kahit ito ay hirap at dusa
Magkaisa may pag asa kang matatanaw
At magsama bagong umaga bagong araw
Kapit kamay sa atin siya'y nagmamahal
Sa bagong pag asa bagong pag asa
Ngayon
May pag asang natatanaw
May bagong araw bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina
Panahon na
Ng pagkakaisa
Kahit ito ay hirap at dusa
Magkaisa may pag asa kang matatanaw
At magsama bagong umaga bagong araw
Kapit kamay sa atin siya'y nagmamahal
Sa bagong pag asa
Magkaisa may pag asa kang matatanaw
At magsama bagong umaga bagong araw
Kapit kamay sa atin siya'y nagmamahal
Sa bagong pag asa
Panahon na may pag asa kang natatanaw
Ng pagkakaisa bagong umaga bagong araw
Kahit ito sa atin siya'y nagmamahal
Ay hirap at dusa
Magkaisa
Magkaisa
Magkaisa