Dengarkan lagu Bahay nyanyian Gary Granada dengan lirik

Bahay

Gary Granada1 Feb 2012

Lirik Bahay

Bahay - Gary Granada

Written by:Gary Granada

 

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan

 

Labinglimang mag anak ang duo'y nagsiksikan

 

Nagtitiis sa munting barung barong na sira sira

 

Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

 

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong

Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong

Pinagtagpi tagping basurang pinatungan ng bato

 

Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito

Ay bahay

 

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata

 

Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta

Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman

At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

 

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko

At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo

Ang pinagpala sa mundo ang dyaryo at ang pulpito

Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito

Ay bahay

 

Maghapo't magdamag silang kakayod kakahig

 

Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig

Sa papag na gutay gutay pipiliting hihimlay

Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

 

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw

 

Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw

 

Hindi ako nangungutya kayo na rin ang magpasya

 

Sa palagay ninyo kaya ito sa mata ng Maylikha

 

 

Ay bahay