Lirik Cool Ka Lang Pare
Cool ka lang Pare - Various Artists (欧美群星)
Ako po'y mero'ng sasabihin
Sana po ay inyong dinggin
Ito po'y makabubuti rin
Kung ulo n'yo'y mainitin
Ang dapat sa 'tin mga pare
Huwag tayong mag lilihiman
Ang nagsasabi raw ng tapat
Ay nagsasamang maluwat
Cool ka lang pare
Sana'y wag padalos dalos
Sa iyong iniisip
Baka bukol ang abutin
Ako po'y mero'ng kaibigan
Ang hilig po sa tsismisan
Yakyak doon yakyak dito
Kung siya'y tulog lang mahinto
Lumipas po ang ilang araw
Itong si kosmeng tsismoso
Di ko man lamang masilip ng pinto
Pagkat maga ang kanyang nguso
Cool ka lang pare
Sa 'yong nasagap na tsismis
Baka sumobra ang kuwento
Bukol pa ang abutin mo
Kayong mga babae riyan
Ang beauty n'yo'y ingatan
Pagkat maraming kelot d'yan
Ang legs n'yo lang ang minamasdan
Ito ang dapat tandaan
Bago sumama kahit saan
Ang beauty nyo ay ingatan
Baka kayo'y maisahan
Cool ka lang mare
Kaming kelot ay pag ingatan
Baka kayo'y maindiyan
Lumobo pa ang iyong tiyan
Cool ka lang pare
Cool ka lang mare
Cool ka lang pare
Nang wag kayong mag sisihan