Lirik Masdan Mo Ang Kapaligiran
Masdan Mo Ang Kapaligiran (看看周围的环境) - Sarah Geronimo (莎拉·杰罗尼莫)
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad at
Malayu-layo na rin ang ating narating ngunit
Masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay
Asul ngayo'y naging itim ang mga duming
Ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na
Nating paabutin upang kung tayo'y
Pumanaw man
Sariwang hangin sa langit natin matitikman
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin upang
Sa ulap na lang tayo magkantahan
Mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit di natin pagisipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad kung
Hindi nakakasira ng kalikasan darating
Ang panahon mga ibong gala ay
Wala nang madadapuan masdan mo ang
Mga punong dati ay kay tatag ngayo'y
Namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa
Lupa biyayang galing sa diyos kahit
Nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag
Nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi
Tayo'y mawawala na
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin upang
Sa ulap na lang tayo magkantahan