Dengarkan lagu Walang Pumapalakpak nyanyian Gloc-9 dengan lirik

Walang Pumapalakpak

Gloc-9, Gary Valenciano27 Okt 2023

Lirik Walang Pumapalakpak

Walang Pumapalakpak - Gloc-9/Gary Valenciano

Lyrics by:Aristotle Pollisco

Composed by:Aristotle Pollisco

Awit ka ng awit

Awit ka ng awit

 

Kahit walang pumapalakpak

Awit ka ng awit

Awit ka ng awit

 

Kahit walang pumapalakpak

Madaming ulit kang madadapa

Bumangon ka agad

Mga mata mo na luhang-luha

Sa lungkot ay nasagad

Ilang beses man na mawala

'Wag kang mapagod maghanap

Walang tigil kang tumataya

Baka sakaling maganap

Ang iyong pinakahihintay

Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw

At ang tanging alam mo lamang ay

Walang pipigil sa 'yong lakad at galaw

Basta't awit ka ng awit

Awit ka ng awit

Kahit walang pumapalakpak

Awit ka ng awit

Awit ka ng awit

Kahit walang pumapalakpak

'Di nila kailanman mararamdaman

Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan

Hindi sila kailanman mahahapdian

Bawat hiwang sa paa tipo na tinungtungan

Dahil ang katunggali mo lang sa

Laban ay walang iba kundi ikaw

At ang puwede mong maging kasalanan

Ay ang bumitaw at umayaw

Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw

Alang-alang sa pangarap mo

Naalala ko pa dati kulang ang pamasahe

Wala ka pang hapunan busog lang sa diskarte

Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe

Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase

Kahit 'di na nanalo 'di ko batid ang talo

Inipon ang lahat ng binigay sa 'king balato

Kung saan-saan dumapo buti na lang gala 'to

Wala ka daw mararating 'pag 'di mo tsinaga 'to

Kay daling sabihin hindi madaling gawin

Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin

Kilalanin ang sarili mo kahit nasa dilim

Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin

Itutulak ka nila madalas pababa

Papahiran ang lahat ng puwedeng dumi sa mukha

Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura

'Pag kumita ka sila pa ang unang nakakura

Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko

Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho

'Wag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho

Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso

Uso daw kasi kaya 'di ka napili

Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi

'Pag 'di mo nagawa iwasan mo ang manisi

Ipahinga mo lang ang likod mo sa haligi

Dahil ang katunggali mo lang sa

Laban ay walang iba kundi ikaw

At ang puwede mong maging kasalanan

Ay ang bumitaw at umayaw

Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw

Alang-alang sa pangarap mo

Basta't awit ka ng awit

Awit ka ng awit awit ng awit

Kahit walang pumapalakpak walang pumapalakpak

Awit ka ng awit awit ng awit

Awit ka ng awit

Kahit walang pumapalakpak walang pumapalakpak

Awit ka ng awit

Awit ka ng awit awit ka

Kahit walang pumapalakpak

Awit ka ng awit

Awit ka ng awit

 

Kahit walang pumapalakpak