Lirik Siping
Siping - Cup of Joe
Lyrics by:Gian Bernardino
Composed by:Gian Bernardino
Produced by:Jovel Rivera
Isang gabi
Aking pinagmamasdan
Ang kalangitang
Tila 'di pangkaraniwan
Asul ang buwan
At meron pang nahuhulog na bulalakaw
Ako'y pumikit at ako'y humiling na
Kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Oras ay labanan
Ako'y iyong samahang
Sulitin bawat sandali
Dahil kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Iyong ipadama ang init ng 'yong yakap
Dito sa aking tabi
Ikaw ay sumiping
Hoooooo
Hoooooo
Ooooooo
Hindi namalayang
Lumipas ang mga panahong
Mag-isa sa 'king duyan
Ikaw pa rin ang aking sansinukuban
Kahit na paulit-ulit na lumayo ay
Hindi pa rin susuko sa 'king mga pangako sa 'yo
Hindi magbabago ang aking hiling na
Kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Ang oras ay labanan
Ako'y iyong samahang
Sulitin bawat sandali
Dahil kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Iyong ipadama ang init ng 'yong yakap
At dito sa aking tabi
Hanggang kailan kaya ako mananaginip nang gising
Hanggang kailan pa ba ako maglalakad nang nakapikit
Mayroon pa bang patutunguhan kung ako na lang
Ang nag-iisang humihiling at nagbabakasali
Na kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Oras ay labanan
Ako'y iyong samahang
Sulitin bawat sandali
Dahil kahit isa lang na saglit
Kahit hindi na maulit
Iyong ipadama ang init ng 'yong yakap
At dito sa aking tabi
Ikaw ay sumiping
Aking ibubulong
At sasabihing
Hindi maglalaho ang pag-ibig ko sa 'yo