
Lirik Kung Laging May Pag-Ibig
Kung Laging May Pag-Ibig - Natalie Zarene Martinez
Written by:Vehnee Saturno
Sana sa mundo
Ang maghari ay wagas na pagmamahalan
Galit ay wala sa kanyang kapwa
At nauunawaan
Munting hiling ko sana ay pakinggan
Humihingi bakit hindi pagbigyan
Kung laging may pag ibig
Lupa man ay parang langit
Walang away walang galit
Napupuno ng saya itong ating daigdig
Sana ay buksan ng bawat isa
Ang puso't isipan
Ang mga kapos at nagdarahop ay ating tulungan
Munting hiling ko sana ay pakinggan
Humihingi bakit hindi pagbigyan
Kung laging may pag ibig
Lupa man ay parang langit
Walang away walang galit
Napupuno ng saya itong ating daigdig
Dinggin mo ang higpit ng mga batang paslit
Na nangangailangan ng karamay
Wag nating ipikit pati ang pusot isip
Ang kanilang hinihintay ay pagdamay
Kung laging may pag ibig
Lupa man ay parang langit
Wala ang away wala ang galit
Mapupuno ng saya ang daigdig
Kung laging may pag ibig
Lupa man ay parang langit
Wala ang away wala ang galit
Mapupuno ng saya itong ating daigdig
Wala ang away wala ang galit
Mapupuno ng saya itong ating daigdig