Dengarkan lagu Kahel At Bughaw (Music from the Original TV Series "Beki Problems") nyanyian Brenan Espartinez dengan lirik

Kahel At Bughaw (Music from the Original TV Series "Beki Problems")

Brenan Espartinez2 Apr 2021

Lirik Kahel At Bughaw (Music from the Original TV Series "Beki Problems")

Ang taglay niyang

Kulay ay bughaw

 

At sa kakisigan niya

Ako'y napukaw

Ako nama'y

Kahel na marikit

 

Isang baluktot na yagit

Na hindi maituwid

Kahit ano'ng ipilit

 

Musmos pa lang nang

Kami'y magkalaro

 

At sa mga kalaba'y

'Di sumuko

At kahit na ako'y

Sinasaktan

Dahil 'di pangkaraniwan

Sabi ni bughaw

Ako ay kaibigan

 

At siya ang

Aking pananggalang

At mula noo'y

Ibinigay ang puso ko

Sa isang pangarap

Na hindi magkakatotoo

Dahil ako'y isang

Kahel na ligaw

Na umiibig sa isang bughaw

 

At noong kami'y magbinata

 

Sa aki'y meron

Siyang pinakilala

 

Isang babaeng marikit

 

Na maganda at mabait

Kaya si bughaw

Kay pula naakit

At sa altar siya'y

Naghintay

 

Sa babaeng aalayan

Niya ng buhay

Ako nama'y naro'n

Lang sa tabi

 

Nakangiti kahit masakit

 

Ngunit ang makita

Siya na maligaya

Ay sapat na upang

Ako ay sumaya

Dahil sa kanya pa rin

Tumitibok ang puso ko

Siya ang tanging pangarap

Kong hindi nagkatotoo

Ngayon ako'y

Isang kahel na uhaw

Na umiibig sa

Isang bughaw

At ang mga tao'y lumipas na

 

Siya ay nagkamilya at

Ako'y tumandang mag isa at

Sa huling hibla

 

Ng aking buhay

 

Si bughaw sa

Aki'y naka akay

Ang sabi niya o kahel

Kong marikit

Sa palad mo nakaguhit

Ang pangakong ako ang

'Yong kaibigan

 

Nandito lang ako

Kailan pa man

At hindi ko man

Ibinigay ang puso ko

 

Sabay naman nating

Tinupad ang

Mga pangarap mo

Salamat kahel at

Hindi ka bumitaw

 

 

Salamat nagmamahal bughaw