Lirik Sa Bawat Sandali
Sa Bawat Sandali - Ashtine Olviga
Lyrics by:Amiel Isaac Sol
Composed by:Amiel Isaac Sol
Produced by:Civ Fontanilla
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Kumakabog na naman ang dibdib
Sa pagkabahala na dala ng daigdig
Sa dami ng nangyayari
Sa'n ba 'ko lalapit
Kundi sa 'yo
Lang ako kakapit
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa 'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Ika'y sasalubungin
Haaaaa
Nais kong sumibol kasama ka
At sulyapin natin ang ating hinaharap
Ikaw lang ikaw ang aking pahinga
Sa 'yo aking gising hanggang sa pagtulog
Sa 'yo ang pag-ikot ng aking mundo
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa 'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Laman ka ng bawat panalangin
Ikaw ang pahinga sa bawat sandali
Patungo sa 'yo ang aking tinig
At iisa lang ang sinasabi ng pintig
Ika'y sasalubungin
Haa
Haa
Haa
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa 'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Sa isang sulyap mo lang
Tila ako'y hagkan mo na
At ang mundo'y gumagaan