Dengarkan lagu Paminsan-Minsan nyanyian Pilita Corrales dengan lirik

Paminsan-Minsan

Pilita Corrales4 Apr 2019

Lirik Paminsan-Minsan

Paminsan-Minsan - Pilita Corrales

Paminsan minsan

 

Naaalala pa rin kita

 

Kahit ngayon mayr'ong nagmamahal na ngang iba

 

Tuwing maiisip itong damdamin nagbabalik

 

At para bang nar'yan ka pa sa aking tabi

 

Muling nadarama ang yakap ko

 

Matitikmang muli ang halik mo

 

Naririnig sinusumpang

Ako ay mahal mo

 

Paminsan minsan ang alaala mo'y nagbabalik

 

At aaminin ko hanggang ngayon

 

Ika'y iniibig

 

Hinihiling ko na kahit nasaan ka man ngayon

 

Isipin mo ako kahit paminsan minsan

 

Paminsan minsan

 

Tinitingnan larawan mo

 

Unti unting pumapatak ang luha ko

 

Pinagsisihan lahat ng aking pagkukulang

 

Kaya ikaw nga sa akin ay lumisan

 

Kahit ngayon mayro'n akong iba

 

Kahit sinasabing mahal ko s'ya

Sa puso ko ikaw pa rin ang mahal ko

 

Paminsan minsan ang alaala mo'y nagbabalik

 

At aaminin ko hanggang ngayon

 

Ika'y iniibig

 

Hinihiling ko na kahit nasaan ka man ngayon

 

 

Isipin mo ako kahit paminsan minsan lang