Dengarkan lagu Itanan Mo Na Ko nyanyian Various dengan lirik

Itanan Mo Na Ko

Various, Kejs, Loraine8 Dis 2015

Lirik Itanan Mo Na Ko

Napakasaya ng mga sandaling

Nag sisimula pa lang ang relasyon

Nating dalawa na tila ngayon

Napunta na sa komplekadong sitwayon

Laging may sumasaway

Di ka pa raw puwede sakin humawak at umakbay

Nanjan si papa at mama baka puwedeng

Sa labas ka nalang muna mag-antay

Pipilitin kong tumakas mamaya

Para ikaw ay aking mapuntahan

Para sayo ay gagawin ko ang lahat

Kahit sa bintana ako ay dadaan

Kahit na mataas handa kong talunin

Kung ang kapalit ay makasama ka

Kung nadidiktahan ko lang si mama't papa

Di sana bukas kasalan na

Di sana tayo nahihirapan ng ganto

Sa pag-iwas sa mga hadlang

Pero magkaganon pa man asahan mo

Aking mahal para sayo ako'y handang

Magtiyagang tumakas araw araw

Dahil sa ikaw ay namimis ko na agad

Sa tuwing tinitignan ko sa aking braso

Ang bakas ng yong mga kagat

Di naman sa gusto kong madaliin

Ang ano ang ating pagsasama

Di nila tayo naiintindihan

Dumaan din naman sila sa pagiging bata

Siya ang unang humalik sa'king labing napakapula

Kaya habang tayo pa sisiguraduhin ko na

Ang makakasama mo hanggang huli ay ako na

Kahit ayaw nila sayo hindi ako bibitaw mahal kita

Hindi ko sasayangin ang pag-ibig para sa iba

Magtiwala ka hindi kita sasaktan

Babalik ako at yayakapin mo

May ibubulong sa'yo itanan mo na ko

Hindi ba talaga nila naintindihan ano ba

Masyado silang mahigpit bawal maghigpit

Ang kamay mo sa kamay ko

Kaya napilitan tayong relasyon

Nating dalawa ay itago

Simula pa man noon hanggang ngayon

Ganon pa rin ang sitwasyon

Ang ating relasyon

Para sa mga magulang natin ay konsumisyon

Ang solusyon na aking plinaplano

Ano kaya mahal kung itanan mo na ko

Kaya mo na ba kasi

Ako parang kaya ko na ayokong mawala

Sabi ni mama't papa paglalayuin daw tayo nila

Bakit ba

Tinuturing nilang bawal bawal pa

Akong umibig sayo

Oh ang gulo ng mundo

Mapaglaro ang tadhana

Bakit tayo pa ang ginagambala

Magulang pa natin ang nagiging hadlang

Parang hindi na tama

Kaya palihim nalang tayong

Mag susumpaan sa dambana

Kahit ayaw nila sayo hindi ako bibitaw mahal kita

Hindi ko sasayangin ang pag-ibig para sa iba

Magtiwala ka hindi kita sasaktan

Babalik ako at yayakapin mo

May ibubulong sayo itanan mo na ko

Kung bakit kami pinaglayo

Ano bang aking nagawa

Hindi naman nagpapabaya sa king pag-aaral

Minsan lang maging masaya oo ganyan din ako

Kaya sa tuwing magkikita kami laging patago

Kahit puro gasgas na ang aking binti

Di magsasawang tumalon sa bakod makita kalang

Kaya ako'y nagpasya na lamang na makipagtanan

Kung sakaling mahuhuli man ako mga palo'y

Nakahanda ko ng ilagan

Di ako magdadalawang isip na sumama sa'iyo

Kahit na may kaba

Bahala na si bathala sapagkat ni isang damit wala

Akong dala

Wala akong paki kahit tayo'y gutumin

Kahit sa papag mo lamang patulugin

Basta tayong dalawa'y magkatabi

Kahit anong unos handa ko ng suungin

Antayin mo lamang babalik ako

At hindi kana muli pang iiwanan

At sana sa aking muling pagdating

Ay handa ka na sa'kin makipagtanan

Kahit ayaw nila sayo hindi ako bibitaw mahal kita

Hindi ko sasayangin ang pag-ibig para sa iba

Magtiwala ka hindi kita sasaktan

Babalik ako at yayakapin mo

May ibubulong sayo itanan mo na ko

Itanan mo na ko

Itanan mo na ko

May ibubulong sayo itanan mo na ko

Itanan mo na ko

Itanan mo na ko

 

May ibubulong sayo itanan mo na ko