Lirik Ngayon
Ngayon (现在) - Basil Valdez
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali
Ngayon bago it ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon ooh
Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay ngayon
Sa buhay mong hiram sa buhay mo
Mahigpit man ang kapit kapit
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit ooh
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon ahh