Pagmamahal Sa Panginoon Lyrics
Pagmamahal Sa Panginoon - Himig Heswita
Written by:Eduardo P Hontiveros SJ
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan
Ang kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman
Purihin ang Panginoon
Siya'y ating pasalamatan
Sa pagsasama at pagtitipon
Ng kanyang mga anak
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan
Ang kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman
Dakilang gawain ng Diyos
Karapat dapat parangalan
Nang tanang mga taong
Sumasamba sa kanya