
Gandang Sinauna At Sariwa Lyrics
Gandang Sinauna At Sariwa - Bukas Palad Music Ministry
Lyrics by:Vic Baltazar SJ/Jandi Arboleda/Norman Agatep
Composed by:Vic Baltazar SJ/Jandi Arboleda/Norman Agatep
Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat kang nanahan
Sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin
Kahit saan
Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag
Sa likha mong tanan
Di ko akalaing ikaw pala'y nilisan
Ako'y tinawagan
Mula sa katahimikan
Pinukaw mo ang aking pandinig
Biglang luminaw ang awit ng daigdig
Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat kang nanahan
Sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin
Kahit saan ako'y inilawan
Mula sa 'king kadiliman
Minulat mo aking mga mata
Biglang luminaw tanglaw
Ko sa tuwina
Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag
Sa likha mong tanan
'Di ko akalaing ikaw pala'y nilisan
Ooooooooo oooooooooo oooooooooooo
Kay tagal bago kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Akong nilikha mo
Uuwi rin sa 'yo
Ako'y papayapa lamang
Sa piling mo