Listen to Teka Muna song with lyrics from Noel Cabangon

Teka Muna

Noel Cabangon9 Sep 2015

Teka Muna Lyrics

Teka Muna - Noel Cabangon

Written by:Manuel V. Francisco SJ/Vincent Aylmer Dela Cruz/Eliserio Jacobe Jr/Roy Tolentino

 

Ayan na naman di mapinta ang 'yong mukha

 

Kunot ang noo namumugto ang 'yong mata

 

Di maiwasan ang problema at pagkabigo

 

Para bagang pasan mo ang buong mundo

 

Ayan na naman hinihingan pang matrikula

 

Sabay may naniningil sa tubig ilaw at upa

 

Nariyan pa'ng misis mo magsisilang na sa panlima

 

Sa kamalasan mo ay nasisante ka pa

 

Pare teka muna wag takasan ang mundo

 

Hirap at sakit ay likas at kaya mo

 

Naririto ako naghihintay sa 'yo

 

Tumawag ka lang at tutulungan kita sa 'yong pasan

 

Ayan na naman di mapinta ang 'yong mukha

 

Kunot ang noo namumugto ang 'yong mata

 

Di maiwasan ang problema at pagkabigo

 

Para bagang pasan mo ang buong mundo

 

Ayan na naman uwi ni mister ay umaga na

 

Lasing na lasing damit may bahid lipstick na pula

 

Sagot sa tanong mo ay suntok sa tiyan sampal sa mukha

 

Sa kamalasan mo'y nalaglag dinadala

 

Mare teka muna wag takasan ang mundo

 

Hirap at sakit ay likas at kaya mo

 

Naririto ako naghihintay sa 'yo

 

Tumawag ka lang at tutulungan kita sa 'yong pasan

Pare teka muna wag takasan ang mundo

 

Hirap at sakit ay likas at kaya mo

 

Naririto ako naghihintay sa 'yo

 

Tumawag ka lang at papasanin ko ang 'yong pasan

 

Tumawag ka lang at papasanin ko

 

 

Ang 'yong pasan