Listen to Ngayon song with lyrics from Sharon Cuneta

Ngayon

Sharon Cuneta24 Apr 2012

Ngayon Lyrics

Ngayon (现在) - Sharon Cuneta

Ngayon ang simula

 

Ng hiram mong buhay

 

Ngayon ang daigdig mo'y

 

Bata at makulay

 

Ngayon gugulin mo

 

Nang tama't mahusay

 

Bawat saglit at sandali

Magsikap ka't magpunyagi

Maging aral bawat mali

 

Ngayon bago ito

 

Ay maging kahapon

 

Ang pagkakataon

Sana'y huwag itapon

 

Ikaw tulad ko rin

 

Ay may dapithapon

 

Baka ika'y mapalingon

Sa nagdaang bawat ngayon

Nasayang lang na panahon

 

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang

Ang bukas pangitain nang ganda'y sa isip lang

Kung bawat ngayon mo sa'yo

Ay laging sulit lang

 

Kayganda ng buhay

 

Ngayon

 

Sa buhay mong hiram

 

Mahigpit man ang kapit

 

May bukas na sayo'y

Di na rin sasapit

 

Ngunit kung bawat ngayo'y

 

Dakila mong nagamit

 

Masasabi mong kahit na

Ang bukas di sumapit pa

 

Ang naabot mo'y langit na

 

Ituring mong kahapo'y

Waring panaginip lang

Ang bukas pangitain nang

Ganda'y sa isip lang

Kung bawat ngayon mo sa'yo

Ay laging sulit lang

 

Kayganda ng buhay

 

Bukas mo'y matibay

Dahil ang sandiga'y

 

Ngayon ituring mong kahapo'y

Waring panaginip lang

Ang bukas pangitain nang ganda'y sa isip lang

Kung bawat ngayon mo sa'yo

Ay laging sulit lang

 

Kayganda ng buhay

 

Bukas mo'y matibay

 

Dahil ang sandiga'y

 

 

Ngayon