XXXX (Explicit) Lyrics
XXXX (Explicit) - Loonie/Hev Abi
Lyrics by:Marlon Peroramas/Gabriel Corpuz Abilla
Composed by:Marlon Peroramas/Gabriel Corpuz Abilla
Produced by:Jim “Jim P” Poblete/Ryan Pineda/RJ Pineda
Nasa'n ka kaya at ang linya ko bukas
Kung ano mang nasabi ko
Nadulas lang ako 'pagkat naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
At ang bawat sandali natin kahit masakit
Nagdadalawang-isip pakawalan
At maya't maya naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
Paumanhin
Nais lang naman kitang kamustahin
Meron bang bago sa'yo eto ako ganun pa rin
Ilang araw na'kong lasing
Kahit pulang kabayo di na'ko kayang patumbahin
Kahit ilan pa tunggain
At sa tuwing ikaw ang topic sensitibong usapin
Kahit puso'y duguan sinubukang apurahin
Hindi ko na inaasahan pang tuluyang gumaling
Ang mga naglangib na sugat na muling tutuklapin
Laging kulang sa pansin sa t'wing ako ay abala
Kasi di mo 'ko maangkin nung tayo pang dalawa
O ganon ba talaga tsaka ko na lang nadama
Ang tunay mong halaga nung wala ka na
Ngayon parang tangang nagdadrama
Inaalala ang mga araw nung tayo'y mag-kasama pa
Di makahanap ng iba baka mahal pa rin kita
Nakahiga nang mag-isa sa'king kama at nagtataka
Nasa'n ka kaya at ang linya ko bukas
Kung ano mang nasabi ko
Nadulas lang ako 'pagkat naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
At ang bawat sandali natin kahit masakit
Nagdadalawang-isip pakawalan
At maya't maya naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
Paumanhin
Di ka malimot kahit anong gawin
Apoy ng pagibig natin tila naging abo na rin
Habang meron pang baga wag mo munang apulahin
Umaasa na sana ang mahal mo ay ako pa rin
Ngayon naging lalaki na dating ako'y takot maging
Uuwi ng maaga di na magsisinungaling
Nagiisip ng paraan kung pano ka komprontahin
Nagtataka kung pano ka kokontakin
Pagkatapos mong lumisan
Hinanap-hanap mga piraso ng pagkatao kong naiwan
'Pagkat tao lang din minsan
Natutuksong tumawag para makipagbalikan
Kaso busy na yung line
Tinitiis ko ang ginaw at ang lumbay
Nakakamiss pag kinikiss mo ng goodbye
Sunog na nga ba ang iniwan na tulay
Umaasa na ang katanungan din sa isipan mo ay
Nasa'n ka kaya at ang linya ko bukas
Kung ano mang nasabi ko
Nadulas lang ako 'pagkat naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka
At ang bawat sandali natin kahit masakit
Nagdadalawang-isip pakawalan
At maya't maya naaalala ka
Nais sana kitang tawagan baka lang maabala ka