Problema na naman Lyrics
Problema na naman - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉尔)
Problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tenga ko
Sa kaseselos mo
Problema na naman
Lagi kang nakabantay
Wala ka nang patawad giliw
Maging sa kaibigan
Ako'y umaalis ng bahay upang kumayod
Maghapong nasa gawain sangkaterba ang pagod
Pagdating ko sa inyo tuhod ko'y nangangatog
Sa tuwing kita'y dinadalaw
Ngiti mo ay manggang hilaw
Mukha mo'y nakasimangot
Problema na naman
Lagi na lamang ganyan
Sadyang wala na bang katapusan
Ang hirap ko sa buhay
Kapag tayo'y namamasyal lagi kang nangungurot
Kapag meron akong natitigan puso mo'y nadudurog
Sadyang mahal kitang tunay 'yan ay 'di ko malilimot
Ngunit kapag laging ganyan
Palagi kang nang-aasar ako'y nabubugnot
Problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tenga ko
Sa kaseselos mo
Problema na naman
Lagi kang nakabantay
Sadyang wala na bang katapusan
Ang hirap ko sa buhay
Sadyang wala na bang katapusan
Ang hirap ko sa buhay
Problema na naman
Problema na naman
Lagi na lamang ganyan