Kahit Na Lyrics
Kahit Na - Noel Cabangon
Written by:Willy Cruz
Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo'y 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusan ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay
Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag ikot
Ang bituin akala mo'y naglalaho
Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag ibig mong mapaglaro
Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
Di kita pipigilin kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka
Ligaya'y walang hanggan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusan ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay
Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
Di kita pipigilan kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka
Ligaya'y walang hanggan
Walang hanggan
Ligaya'y walang hanggan
Habang kapiling ka
Ligaya'y walang hanggan