Listen to Sierra Madre song with lyrics from Coritha

Sierra Madre

Coritha2 Apr 2019

Sierra Madre Lyrics

Sierra Madre - Coritha

 

Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin

 

Nakalarawan doon ang maraming kong alaala

 

At bigla akong lumuha dahil ako'y sabik na

 

Sa lalawigan kong minumutya

 

Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin

 

Mga magulang nama'y nag aalala sa akin

 

O masilayan ko man lamang bundok parang at batis

 

Gumagaan ang hirap ko at pasakit

 

Awitin ko awitin ko'y makauwi na

 

Sa duyan ng aking kamusmusan

 

Sa piling mo o Sierra Madre

 

Kandungan mo'y laging hinahanap

 

Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang

 

Natitirang pag asa sa aking mga pangarap

 

Kaya't kung mayro'n mang nakikinig sa aking damdamin

 

Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin

 

Awitin ko awitin ko'y makauwi na

 

Sa duyan ng aking kamusmusan

 

Sa piling mo o Sierra Madre

 

Kandungan mo'y laging hinahanap

 

Kandungan mo'y laging hinahanap

 

 

Kandungan mo'y laging hinahanap