Ang Bayan Kong Sinilangan Lyrics
Ang Bayan Kong Sinilangan - ASIN
Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa
Relihiyon at prinsipyo nagkagulo
Ang bayan ko sa Cotabato
Kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling
Di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid laman sa laman
Sila sila ang naglalaban
Di ko alam ang dahilan ng gulo
Bakit nagkaganon
Ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag away
Bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang
Ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo
Di sana magulo ang bayan ko
Sa bayan kong sinilangan
Sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto
Sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay
Pinapahirapan mo ang gulo
Ako'y nananawagan
Humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan
Kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
Kung ako'y may maitutulong
Tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay
Kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso
Puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y
May puso rin katulad mo
Sa bayan kong sinilangan
Bakit may gulo
Sa timog Cotabato
Sa timog Cotabato
Ako ay namulat
Kailan matatapos
Sa napakalaking gulo
Ang gulo
Dahil walang respeto
Kailan magkakasundo
Sa prinsipyo ng kapwa tao
Ang tao
Kapwa Pilipino
Kapwa Pilipino
Ay kinakalaban mo
Bakit kinalaban mo
Ang gulo