
Lirik Tulad Mo
Tulad Mo (像你一样) - Julie Anne San Jose
Written by:Julie Anne San Jose
Itong tula't kantang nais iparating
Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin
Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin
Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin
Sa mundong ibabaw mga tao ay iba iba
Simula't sapul musmos na isip ay di alintana
Ang biyayang binigay sakanya ng panginoon
Sa kanyang palad palagi mga dasal ay may tugon
Tila ba sa bawat pag awit nagmula sa puso
Ngiti sa mga labi pagtapak ng entablado
Mga taong binubulong sinisigaw kanyang pangalan
Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan
Ngunit sa kabila ng kanyang tinatahak na landas para bang may kapalit
At magulo ang dinaranas
Dating buhay ang simpleng pamumuhay
Kung di lang sa pangarap na nabibigay na kulay
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako na tulad mo
Kay sarap isipin ang pangarap na tinatamasa parang panaginip
Ang lahat ika'y sagana
Ngunit hindi kayang iwasa ang mapanghusgana para bang tuwang tuwa kapag ika'y nadarapa
At minsan tinamaan nga naman ni kupido
Para bang nasa langit subalit naging komplikado
Iniwang nakalutang at tuluyang nag iisa
Paulit ulit ang tanong sino ba ang nagkasala
Nagtiwala
Kasalanan bang damdamin ay tapat
Yun ang
Akala ako pala'y hindi parin sapat
Damang dama mga sugat mahirap mawala hanggang
Sa pumatak nalang ang mga luha sa lupa
Na tila ba nabubulagan bakas ang nakaraan
Na di na dapat balikan sa laki ng kamalian
Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo
Tao lang naman ako at dakilang macho
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako na tulad mo oh
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako
Na tulad mo
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako
Tao lang naman ako
Na tulad mo
Na tulad mo
Na tulad mo
Na tulad mo