Dengarkan XXX (Explicit) lagu dari Loonie dengan lirik

XXX (Explicit)

Loonie, Hi-C23 Agt 2020

Lirik XXX (Explicit)

Naaalala ko pa dati

High school pare

Meron akong kaklase

Hayop na babae

Ako'y suplado na smooth

Nice move swabe

'Di ko kinakausap 'di ko type kunwari

Itatago ko na lang sa pangalang Janelle

Usong-uso pa noon yung pasahan ng papel

Pero lahat ng gusot nahahanapan ng lusot

Kahit maraming nang aasar

Crush ka nung kulot

Sino yung payatot na brush up yung buhok

Kinse anyos pa lang ako batang mapusok

Malakas ang loob kahit labas ay marupok

Kaya direkta kong sinabe at wala ng pautot

Tinapat ko sya sabi ko ikaw ang crush ko

Tinanong ko sya ng past nya

Sinagot niya ko nang Pasko

Uminit ang Disyembre

Biglang ginaw ng Mayo

Recess na ba

Hindi pa pero break na tayo

Nasaan ka na

Ako kaya'y naaalala pa

Nais sana kitang tawagan

Kaso baka maabala ka

Nasaan ka na

Ako kaya'y naaalala pa

Nais sana kitang tawagan

Kaso baka maabala ka

Storya ng dati kong nobyang si Rossann

Ako yung bestfriend nya slash utusan

Magkaubusan man walang iwanan

Kahit magkaipitan

Kami nagtutulungan

Mano sa tatay

Hatid sundo sa bahay

Kabiruan ang kapatid

Kasundo ang nanay

Kami ay natigilan at nagkakatitigan

Dalawang magkaibigan na nagkaibigan

Apat na taon away bati

Hila at tulak

Hanggang sa isang araw bigla kaming nag-usap

I need space

Noo nya'y nakakunot

Space bakit di ka na lang mag-astronaut

Tapos binanatan niya ko ng classic na palusot

It's not you it's me sino yung umutot

Dinadaan ko sa biro kahit puso ko'y natibo

Halos isang taon ko rin itong hindi pinahipo

Nasaan ka na

Ako kaya'y naaalala pa

Nais sana kitang tawagan

Kaso baka maabala ka

Nasaan ka na

Ako kaya'y naaalala pa

Nais sana kitang tawagan

Kaso baka maabala ka

Nais sana kitang tawagan

Kaso baka maabala ka

Nais sana kitang tawagan

Kaso baka maabala ka

Hanggang sa nakilala ko si leslie anne

Sa my space ako'y kanyang tinestihan

Nice face

Ako'y naseksihan

May katabing chick sa pic kala ko lesbian

Nagkita kami inglisan pa nung una

Pinakita nya sa'kin yung mga tattoo nya

Nag-usap kami umaga tanghali hanggang gabi

Magkatabi naghati kami sa mamahaling kape

At tatlong kaha ng Marlboro na pula

Kaya tuloy aming lamesa'y puro abo na

Walang araw na hindi ko siya kasama

Katabi ko siya sa kama kahit 'di ko siya asawa

Siya yung tipong parang barkada

Sanay tumambay sa kalsada

Masaya na sana kaso wala na

Wala nang load last piso ko na 'to

Kahit papano namimiss ko rin kayo

 

Ang cheesy