Lirik Daliri
Daliri - FLORANTE
Daliri sa aking mga kamay habang gumagalaw
Titipa sa gitara't papawi ng lumbay
Himig ay kanilang ibibigay
Daliri sa aking mga kamay may musikang taglay
Kung ako'y umaawit sila'y sumasabay
Daliri sa aking mga kamay
Kahit mayroong kukong patay kakalabit at sasabay
Himig na galing sa puso'y iaalay
Kahit mayroong kukong patay kakalabit at sasabay
Himig na galing sa puso'y iaalay
Kahit mayroong kukong patay kakalabit at sasabay
Mga daliri sa aking mga kamay