Lirik Nananabik
Nananabik - Rea Valle
Lyrics by:Boy Christopher
Composed by:Boy Christopher
Nananabik
Oh puso ko'y laging nananabik
Sa yakap mo
At init ng nag-aalab mong halik
Tamis ng iyong labi kaysarap damhin
Sa tuwing dumadampi
Sana'y ibigin mo lagi
Sa paglalambing mo ay nananabik
'Pagkat mahal kita
Pangarap kong tuwina'y kapiling ka
Nananabik sinta
Bawat haplos
Ng palad mo tuwinang nadarama
Ang diwa ko'y naglalakbay nakapikit ang mata
Dibdib ay kumakaba
Pag nakikita ka
Araw ay kayganda
Tinig mo'y parang musika
Sa paglalambing mo ay nananabik
'Pagkat mahal kita
Pangarap kong tuwina'y kapiling ka
Nananabik sinta
Sa paglalambing mo ay nananabik
'Pagkat mahal kita
Pangarap kong tuwina'y kapiling ka
Nananabik sinta
Nananabik
Nananabik