Dengarkan Holdap lagu dari Gary Granada dengan lirik

Holdap

Gary Granada1 Feb 2012

Lirik Holdap

Holdap - Gary Granada

Written by:Gary Granada

 

Minsang ako ay nag agahan doon sa bandang Nagtahan

Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan

 

At ang usap usapan ay tungkol sa isang holdapan

Sa isang pampasaherong sasakyan

 

Nang aking nilapitan tamangtamang naabutan

 

Ang isa sa biktimang nagsalaysay

 

At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig

Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay

 

Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

 

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan

 

Isang kinsenang kayod ang pinagpawisang sahod

 

Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw

 

Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente

At lolong halos di na makagalaw

 

Relo singsing at hikaw pati ngiping natutunaw

Sinimut nuong disenteng lalake

 

Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw

Sila'y inabutan pa ng pamasahe

 

Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

 

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan

 

Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan

 

Ang holdaper kanya palang kapitbahay

 

Malimit mag abuloy ng abubot at borloloy

Sa tuwing may okasyong pambarangay

 

Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela

Bida kay bishop kay judge at kapitan

 

Tauntaon pati ay may medalya at plake

Ang magiting at dakilang kawatan

 

Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

 

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang nananalo sa halalan

 

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

 

 

At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000