Balita 歌词
Pag-asa - ASIN
Lapit mga kaibigan
At makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita
Galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi
Ang mga kwento at
Ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako
Ang lupang pinanggalingan ko'y
May bahid ng dugo
May mga lorong di makalipad
Nasa hawlang ginto
May mga punong
Walang dahon
Mga pusong
Di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako
Mula ng makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy
Sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan
Hanggang sa lumago
Ngayon ang puso'y may takot
Sa lupang pinangako
Lapit mga kaibigan
At makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita
Galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi
Ang mga kwento at
Ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Dati rati ang mga bukid
Ay kulay ginto
Dati rati'y ang mga ibon
Sinlaya ng tao
Dati rati ay katahimikan
Ang musikang nagpapatulog sa mga batang
Walang muwang sa mundo
Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong una n'yong dadamhing kabilang sa inyo
Duol mga kaigsuunan
Ug paminaw kamo
Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto nga ipahibalo
Ang mga istorya nga nagagahitabo sa banwagisa na to