收听Gloc-9的Kung Tama Siya歌词歌曲

Kung Tama Siya

Gloc-9, Jaq Dionisio2012年1月1日

Kung Tama Siya 歌词

Kung Tama Siya - Gloc-9/Jaq Dionisio

Written by:Aristotle C. Pollisco

 

Lahat ay ginawa ko

Lahat ay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka pano kung tama sya

Ano ang napala ko

Pati buhay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka pano kung tama sya

Tinta at panulat ang ginamit

Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit

Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit

'Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit

Ng amoy nung ako'y magpasyang ituloy

Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy

Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy

Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy

Kahit na sabi nila ako'y hindi pumapalag

Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag

Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag

Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo'y libag

Makalipas ang isang daang taon at limampu

Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto

Para bang ang panahon mula noon ay huminto

Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan

Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan

Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

 

Lahat ay ginawa ko

Lahat ay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka pano kung tama sya

Ano ang napala ko

Pati buhay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka pano kung tama sya

Ito ang sa tingin ko'y tama

At ang syang nararapat

Pero teka lang

Kung Tama Sya

Sa kanila'y huwag kang maawa

Yan lang ang syang nararapat

Pero teka lang

Kung Tama Sya

Ako'y isang batang Tondo na anak ng mananahi

At sa idad na katorse mga braso'y natali

'Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa

Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata

Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali

At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi

Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi

Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati

Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan

Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan

Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan

Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan

Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina

Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila

Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila

At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan

Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan

Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

 

Lahat ay ginawa ko

Lahat ay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka pano kung tama sya

Ano ang napala ko

Pati buhay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka pano kung tama sya

Ito ang sa tingin ko'y tama

At ang syang nararapat

Pero teka lang

Panu kung tama sya

Sa kanila'y huwag kang maawa

Yan lang ang syang nararapat

Pero teka lang

Panu kung tama sya

Ito ang sa tingin ko'y tama

At ang syang nararapat

Pero teka lang

 

Sa kanila'y huwag kang maawa

Yan lang ang syang nararapat

Pero teka lang

 

Panu kung tama sya