Tagalog Medley 歌词
Kahit saan ka man
Ang awit ay naririnig
Sari-saring magugustuhan
Mga luma at bagong himig
Ngunit isa lang ang aking
Gusto isa lamang
Ang napapansin
Masarap madaling kantahin
Ang lumang tugtugin
Nung tangan ng nanay ang
Munti mong mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa panatag
Ang loob sa
Damdaming ika'y mahal
Nung nakilala mo
Ang una mong sinta
Umapaw ang saya at
Siya'y ibang-iba
Sinamsam ang bawat gunita
Hindi mo malimutan
Kung kailan nagsimula
Matuto kung pa-paano magmahal
At 'di mo malimutan
Kung kailan mo natikman
Ang una mong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay
Hanggang langit
Araw ikaw ang may
Dala ng liwanag
Sa sikat mong
Taglay nabubuhay
Tulad ka ng
Tangi kong mahal
Hangin ang dulot mo'y
Hinga na malalim
Ang awit mo'y
Walang nililihim
Tulad ka ng tangi kong mahal
Sana nga'y ganyan
Ganyan ang katotohanan
Hindi maglalaho
Ang pagmamahalan
Kapag nagkaganito
Taga mo sa bato
Hindi mo na kailangan
Pang mangako
Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y
Nagpasiyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat
Hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala
Na akong maramdaman
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
At 'di mo malimutan
Wala na akong maramdaman
Pag-ibig na tunay
Hanggang langit
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't 'di tayo magkasunduan
Ang tamis ng iyong
Halik yakap na napakahigpit
Ang tamis ng iyong
Halik yakap na napakahigpit