Sabihin Mo 歌词
Sabihin Mo - Rea Valle
Lyrics by:Boy Christopher
Composed by:Boy Christopher
Tunay na yata na pag ibig
Itong nadarama
At buhat nang kita'y makita
Lagi nang may kaba
Ako sa 'yo'y nangungulila
Giliw paano ba
Masasabi sa 'yong mahal kita
Ako kaya ay may pag asa
Sa aking pagsinta
Aminin mo kaya sa akin
Ako't walang iba
Ang nasa puso mo't damdamin
Sadyang nag iisa
Sabihin mong ako'y mahal mo na
Sana'y sambitin mo rin sa akin
Ako'y tibok ng iyong damdamin
Ngayon bukas at kailanman ang siyang mamahalin
Sana puso ko'y huwag nang ibitin
Aking mahal ako'y lingapin
Oh sabihin mong ako'y mahal mo rin
Ako kaya ay may pag asa
Sa aking pagsinta
Aminin mo kaya sa akin
Ako't walang iba
Ang nasa puso mo't damdamin
Sadyang nag iisa
Sabihin mong ako'y mahal mo na
Sana'y sambitin mo rin sa akin
Ako'y tibok ng iyong damdamin
Ngayon bukas at kailanman ang siyang mamahalin
Sana puso ko'y huwag nang ibitin
Aking mahal ako'y lingapin
Oh sabihin mong ako'y mahal mo rin
Ikaw ang siyang pangarap ko sinta
Dasal ko ay ang makapiling ka
Sana'y sambitin mo rin sa akin
Ako'y tibok ng iyong damdamin
Ngayon bukas at kailanman ang siyang mamahalin
Sana puso ko'y huwag nang ibitin
Aking mahal ako'y lingapin
Oh sabihin mong ako'y mahal mo rin
Sana puso ko'y huwag nang ibitin
Aking mahal ako'y lingapin
Oh sabihin mo oh sabihin mo
Sabihin mo sabihin mo sabihin mo
Ako'y mahal mo rin