收听Still One的Hinintay Kita (Explicit)歌词歌曲

Hinintay Kita (Explicit)

Still One, Yhanzy2021年9月14日

Hinintay Kita (Explicit) 歌词

Tinatanaw ko parin

 

Yung pag-asang katiting na muli kang magbabalik sa akin

At muli kitang yayakapin oh

Sadyang napakarami na taon na dumaan

Ikaw parin ang nilalaman ng puso't isip kong sumisigaw na

Sana marinig mo aking tinig

Na humihiling at muling lingunin

Nandito parin umaasa sa pangako mong binitawan

 

Nag-aabang sa bintana baka sakaling kumaway ka

At muling dumungaw sa pag-ibig nating dawala

 

Dahil nga

Hinintay kita

Kahit parang malabo na ang pagbabalik mo ang pagbabalik mo

Pangako mo'y pinanghawakan ko

Hinintay hinintay kita ahh

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala

Hanggang ngayon ang hirap tanggapin

 

Na ilang taon na kitang hinintay wala ka parin

Aasa pa ba ko sabihin mo please

Hindi ko na kaya sobra kitang miss

Yung mga ngiti mo na matatamis

Pag naiisip nakaka hinagpis

Naaalala ko yung mga sinabi mo

Bago sumakay ng eroplano

Na kahit malayo sa isat-isa

Sumumpa kang walang magbabago

Pero ano ni kumusta

Parang wala kang balak na gawin

Di alam kung babalik ka pa ba

Hanggang kailan mo pag aantayin

May ikaw pa bang gusto kong makasama

May ikaw pa bang akoy naaalala

May ikaw pa bang bubuhay sa pagasa

Na babalik ka sakin parang wala na

Ako na lamang ba ang lumalaban

Tangina di kita kayang sukuan

Kahit na sobra mo kong napuruhan

Sa sobrang sakit lagi kong tuturuan

Ang puso kong na ikay patawarin

Anumang bagay ang rason

Para bigla ka nalang mawala

At talikuran ako ng ganon

Ganon pa man nangyari na yon

Gusto ko lang naman ay mapanatag

Kung babalik ka pa sa piling

Ko ay dun mo na lamang ipaliwanag

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo ang pagbabalik mo

Pangako mo'y pinanghawakan ko

Hinintay hinintay kita ahh

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala

Paasa yung limang pirasong letra

Pero ang daming nabiktima

 

Nakakatawang aminin pero isa ako sa kanila

 

Kabisado kita

 

Alam ko ang bawa't kahulugan ng kilos mo

 

Ayoko tangapin sa sarili

Ayokong maniwala ako'y napaikot mo

 

Kaya kahit masakit tinatakpan ko ang mata

 

Nagbubulag-bulagan sa katotohanan na sumama kana sa iba

 

Kaya ko pa oo kaya ko pa

 

Alam ko malabo na pero sige hihintayin kita

 

Hindi ko alam kung hanggang kailan mo ako paaasahin

Pero oo hihintayin kita

 

Hihintayin kita

 

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo ang pagbabalik mo

Pangako mo'y pinanghawakan ko

Hinintay hinintay kita ahh

 

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo

 

Pangako mo'y pinanghawakan ko

Hinintay hinintay kita ahh

Umaasang muli mong balikan

 

Kahit na humantong pa sa wala