
Luntiang Palaruan 歌词
Luntiang Palaruan - JeffreYumol
Written by:Jeffrey Yumol
Naaalala mo pa ba mga ibong nag aawitan
'Lang kaba malaya lumilipad sa kagubatan
Sariwang hangin na sa baga mo'y hinihinga
Tubig sa batis kay tamis sa ulap may mga
Dahon na lumilipad papunta sa kawalan
Sikat ng araw kay sarap di ka sinasaktan
Nag gagandahang bulaklak iba't iba ang kulay
Sa ilalim ay luntian na puno ng buhay
Naaalala mo pa ba kulay ng karagatan
Naglalakihang alon napakasarap pakinggan
Sa pagsisid sigurado kang may aanihin
Ang pamilya sigurado na may kakainin
Mga bata'y nalalaro pagod ay di alintana
Kislap ng bituwin sa langit sinisilip sa bintana
Umaasang mga magulang ay pagiingatan
Di lang sila kundi pati na din ang kalikasan
Mga magulang parang awa
Umiiyak ang kalikasan
Binigay na ang lahat para sa atin
Ito'y pakaingatan
Para sa kinabukasan
Luntiang palaruan para sa amin
Ngayon ang gubat ay konkreto at puno ng ingay
Hangin nilalason ng taong may mahabang sungay
Bughaw na langit 'di makita sa laki ng larawan
Lalamuna'y lagging uhaw tubig pinipilahan
Luntiang lupa'y 'di na masilip sa dami ng ilaw
Ilog natutuyo sa tindi ng sikat ng araw
Patak ng ulan sa langit animoy mga luha
Ng mundong nahihirapan pag dumaloy sa lupa
Naaalalang manalangin pag bumabaha
Ngunit pagtapon ng basura ay hindi alintana
Mundo'y umiiyak sa atin at nagmamakaawa
Mga tao sa kalikasan kelan ka maaawap
Mga bata'y nalalaro pagod ay di alintana
Kislap ng bituwin sa langit sinisilip sa bintana
Umaasang mga magulang ay pagiingatan
Di lang sila kundi pati na din ang kalikasan tara
Mga magulang parang awa
Umiiyak ang kalikasan
Binigay na ang lahat para sa atin
Ito'y pakaingatan
Para sa kinabukasan
Luntiang palaruan para sa amin
Ito'y pakaingatan
Para sa kinabukasan
Luntiang palaruan para sa amin