Salamat Sa Diyos / Tanda Ng Kaharian Ng Diyos 歌词
Salamat Sa Diyos / Tanda Ng Kaharian Ng Diyos - Alex/Detdet/Rafa
Written by:Lui Morano/Manuel V Francisco SJ
Sumainyo ang Panginoon
At sumainyo rin
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos
Ama Anak at Espiritu Santo
Amen
Humayo kayong mapayapa
Salamat sa Diyos Salamat sa Diyos
Salamat sa Diyos Salamat sa Diyos
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pagibig at katarungan
Tanda ng Kanyang kaharian
Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pagibig at katarungan
Tanda ng Kanyang kaharian
Ang mga dakila't dukha ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pagibig at katarungan
Tanda ng Kanyang kaharian
Sa 'ming pagdadalmhati sa 'ming pagbibigay puri
Anupamang pagtangis hapo't pasakit
Ang pangalan Niya'y sinasambit
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pagibig at katarungan
Tanda ng Kanyang kaharian