Sa Hapag Ng Panginoon (From "Tinapay ng Buhay") 歌词
Sa Hapag Ng Panginoon - Bukas Palad Music Ministry
Written by:Manoling V. Francisco Sj/Lui Morano
Sa Hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayon nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan
Sa Hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayon nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Ang mga dakila't dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo
Ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan
Sa Hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayon nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Sa aming pagdadalamhati
Sa 'ming pagbibigay puri
Ano pa mang pagtangis
Hapo't pasakit
Ang pangalan Niya'y sinasambit
Sa Hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayon nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan