收听Tom Rodriguez的Langit Umaawit歌词歌曲

Langit Umaawit

Tom Rodriguez2014年1月1日

Langit Umaawit 歌词

Langit Umaawit - Tom Rodriguez

 

Written by:Toto Sorioso

 

Bakit ba hindi nakita

Noon pa man ikaw pala

 

Ang tanging hinahanap

'Di pa tinanggap

 

Bakit nagbulag bulagan

Bakit di pinagbigyan

Kahit may nadarama

Hinayaan ko lang

Ngunit ihip ng hangin nag iba

 

Ngayon namamangha sayo tuwina

 

Langit umaawit

Araw ngumingiti

Tala'y nagniningning

'Pag ika'y kapiling

Parang isang tula

Ang ating puso't diwa

 

Tugmang tugma sa kinatha

Ng tadhana

 

Oooh ohh

 

Unti unti mong binuksan

Ang puso kong nasaktan

Damdamin ko'y iningatan

At inalagaan

 

Himig mo'y naging sagwan

Sa liwanag ng buwan

 

Atin ding natagpuan

Ang pagmamahalan

Ang mga anghel kumakanta

 

Sa mga bituin nagsasaya

 

Langit umaawit

Araw ngumingiti

Tala'y nagniningning

'Pag ika'y kapiling

Parang isang tula

Ang ating puso't diwa

 

Tugmang tugma sa kinatha

Ng tadhana

Ang lahat ng naganap

 

Nagtungo sa 'ting pangarap

 

Sa wakas ay ating nadatnan

 

Ang walang hanggan

Langit umaawit

Araw ngumingiti

Tala'y nagniningning

'Pag ika'y kapiling

Parang isang tula

Ang ating puso't diwa

Tugmang tugma sa kinatha

Ng tadhana

 

Tugmang tugma sa tinakda

 

 

Ng tadhana