H'Wag Kang Bibitiw 歌词
H'Wag Kang Bibitiw - Eurika
Written by:Freddie Saturno
Iguhit mo ang iyong pangarap
Habang ang liwanag ng araw ay natatanaw
Sige at hawiin ang tinik sa iyong mga landas
Nasa palad mo ganda ng iyong bukas
Ang buhay ay sadyang makulay
Tigib ng pagsubok ang mundong ating nagisnan
Ngunit ang sugat at hapdi na ating naramdaman
Ay siyang lunas upang maging matibay
Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa maylikha h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin
Gawing ginto ang bawat oras
Ang mga mithiin huwag nang ipagpabukas pa
Bago dumilim ang langit unos ay dumating
Sumilong ka sa Diyos ika'y kumapit
Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa maylikha h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin
Ohhh
Ohhhhh
Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa maylikha h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin