收听Alamid的Hesus歌词歌曲

Hesus

Alamid2019年4月3日

Hesus 歌词

Kung nag iisa at nalulumbay

Dahil sa hirap mong tinataglay

Kung kailangan mo ng karamay

Tumawag ka at Siya'y naghihintay

Siya ang 'yong kailangan

Sandigan kaibigan mo

Siya ang araw mong lagi

At karamay kung sawi

Siya ay si Hesus

Sa bawat sandali

Kung ang buhay mo

Ay walang sigla

Laging takot at laging alala

Tanging kay Hesus maka aasa

Kaligtasa'y lubos na ligaya

Siya ang dapat tanggapin

At kilanlin sa buhay mo

Siya noon bukas ngayon

Sa dalangin mo'y tugon

Siya ay si Hesus sa habang panahon

Siya ang dapat tanggapin

At kilanlin sa buhay mo

Siya noon bukas ngayon

Sa dalangin mo'y tugon

Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya't ang lagi mong pakatatandaan

Siya lang ang may pag ibig na tunay

Pag ibig na tunay

Siya ang dapat tanggapin

At kilanlin sa buhay mo

Siya noon bukas ngayon

Sa dalangin mo'y tugon

Siya ay si Hesus

Siya ay si Hesus

 

Siya ay si Hesus sa habang panahon