Sandigan(voice memo) 歌词
Sandigan(voice memo) - Victory Worship/EJ De Perio
Lyrics by:Ephraim James De Perio/Jem Cubil/Keiko Necesario-Cubil
Composed by:Ephraim James De Perio/Jem Cubil/Keiko Necesario-Cubil
Gabing unang narinig
Ang huni ng 'yong tinig
May dalang magandang balita
Sagot sa lumbay at pangamba
Ay nandito na
Tanaw ningning ng bituin
Ngayong ikaw ay kapiling
Hatid mo ay kapayapaan sa aking pusong nasaktan
Ika'y dito na
Sa boses mo lang
Ako'y kakalma
Sa piling mo lang sapat na
'Di na magtatanong
'Di ka nagkulang
O hesus ikaw ang sandigan
Ikaw ang sandigan
Walang kung sino man
Ang makakanakaw ng ligaya na
Siyang nagbigay ng lubusan
Sagot sa lumbay at pangamba
Ay nandito na
Sa boses mo lang
Ako'y kakalma
Sa piling mo lang sapat na
'Di na magtatanong
Hindi ka nagkulang
O hesus ikaw ang sandigan ohhh
Ikaw ang sandigan ikaw ang kanlungan
Mapanghabambuhay ikaw ang una't huli whoa
Sa boses mo lang
Ako'y kakalma
Sa piling mo lang sapat na
'Di na magtatanong
'Di ka nagkulang
'Di na mag-iisa
O hesus ikaw ang sandigan
Ikaw ang sandigan