收听Gloc-9的Bahay Yugyugan歌词歌曲

Bahay Yugyugan

Gloc-9, Flow G2023年10月27日

Bahay Yugyugan 歌词

'Wag kang matakot sumayaw

Katawan ay igalaw

Sige sumayaw ka

 

Lapit lapit

Lapit lakasan ang hawak

Higpitan ang kapit

Nandito ulit kaming dalawa

 

Sabihin mo sa'kin

Handa ka na ba

Halika tuloy ka dito sa

Pinakamasayang lugar

Na bawal ang problema

Dito sa bahay yugyugan

Igalaw igalaw

Igalaw mo lang

Mula ulo hanggang paa

Balik sa balakang

Igalaw igalaw

Igalaw igalaw mo lang

Igalaw igalaw

Igalaw mo lang

Mula ulo hanggang

Paa balik sa balakang

Igalaw igalaw

Igalaw igalaw mo lang

Kung malamig ang panahon ay

Mag-init ka ng tubig

Maligo nang mabuti

Kahit laging may palugit

Suklayin mo nang

Maayos dapat

Diretso ang guhit

Parang dinilaan ng

Bakang naka-suga sa bukid

Ilabas ang bagong

Biling maong at sumbrero

At kamiseta na pinag-ipunan

Mo sa suweldo

Sabit sa jeep kahit

Marunong akong magmaneho

Magkakaroon din ako ng

Aking sarili auto

Bente-bente ang laman

Ng aking pitaka

Pangarap palaging

Hawak hindi maling akala

Dadamputin lahat ng

Pagkakataon sa gala

'Di baling kawawa

Ako ang bahala sa tiwala

Kahit pa hiniram lamang ang

Sapatos ko sa tropa

Minsan lang kasi maging

Malupit ang porma

Pero sa tugmaan

Ako ay palaging kota

Kumpletos ricados

Parang bagong

Luto na tinola

Kaya sige samahan niyo

Kami dito sa lugar

Tugtugan walang hangganan

Pagmamahalan at tipar

Kalimutan ang problema

Malungkot ay illegal

Tabunan parang lahar

Sabay tayong umandar

 

Dito sa'min ay

Palagi mong madidinig

Mga tugtugan sa

Kalsada nakakabilib

Mata sa itaas

Mga paa sa sahig

 

Kahit na walang kutson

Ay sanay sa banig

Ang nasa baba

Kayang tumaas

 

Ang naka sara

Pwedeng bumukas

 

Bagong tugtugin

Na maangas ng konti

Kasi heto na naman

Si Gloc-9 at Flow G

Igalaw igalaw

Igalaw mo lang

Mula ulo hanggang paa

Balik sa balakang

Igalaw igalaw

Igalaw igalaw mo lang

Dito sa bahay yugyugan

Igalaw igalaw

Igalaw mo lang

Mula ulo hanggang

Paa balik sa balakang

 

Igalaw igalaw

Igalaw igalaw mo lang

Dumating na si Flow G

'Di maarte kahit dati pa

Kumbaga sa makina

Krudo lang ang ikarga

Babyahe na minsan

'Yung dala dala ko

Saktong pamasahe lang

Kulang-kulang pero nagagawa ko

Pang diskartehan

'Di bale nang magutom

Basta maka party lang

Kahit 'yung ibang suot

Ko galing sa hiram

Swabe lang kasi lagi

Laging happy happy lang

Dito 'di ka para mailang

Pwede makisama

Tara makisali

'Di ka mananawa

Kahit gan'to lagi

Sa bahay yugyugan

Masaya kang uuwi

Iba-ibang tugtugan

Do'n palang alam

Mong 'di ka lugi tenga

Mo bubusugin sa music

 

Tapos 'pag gusto

Mo pang masulit

Gumalaw gumalaw

Gumalaw ka lang

Wala ka ring mapapala kung

Tutunganga ka ngayon

Ano pa ba'ng

Inaantay mo 'lika na

Pwede kahit mag-imbita

Ka nang iba pa

Sumama kung sasama

Sigurado na mapapaindak

Sa bagong awit

Na kasama si Gloc

 

Dito sa'min ay palagi

Mong madidinig

Mga tugtugan sa

Kalsada nakakabilib

Mata sa itaas

Mga paa sa sahig

 

Kahit na walang kutson

Ay sanay sa banig

 

Ang nasa baba

Kayang tumaas

 

Ang naka sara

Pwedeng bumukas

Bagong tugtugin

Na maangas ng konti

Kasi heto na naman si

Gloc-9 at Flow G

Igalaw igalaw

Igalaw mo lang

Mula ulo hanggang

Paa balik sa balakang

Igalaw igalaw

Igalaw igalaw mo lang

Dito sa bahay yugyugan

Igalaw igalaw

Igalaw mo lang

Mula ulo hanggang

Paa balik sa balakang

Igalaw igalaw igalaw

 

Igalaw mo lang