Kadenang Bulaklak 歌词
Kadenang Bulaklak - Donna Cruz
Written by:Willy Cruz
Ang wikang
Ginagamit ng mga puso
Natututunan
Kahit di ituro
Sa ating buhay
Darating ang sandaling
Pusoy tatawagin
Upang kanyang pag aralan
Ang wikang gagamitin
Puno raw ng kahirapan
Landas na daraanan
Subalit wala raw katumbas
Ang kasiyahang matitikman
Sa sandaling ngayong mabatid
Puso mo pala ang narinig
Na nangungusap
Mula sa iyong dibdib
Ano ang ginagamit
Na wika sa langit
Bawat salita kaya doon ay
Inaawit
Kahit marami ka pang di nalalaman
Asahan mong doon mayroon
Kang tahanan
Kapag dumami na sa lupa
Pusong marunong mangusap
Sa likod ng bawat ulap
May anghel na papalakpak
Malapit nang mabuo
Kadenang bulaklak
Kapag dumami na sa lupa
Pusong marunong mangusap
Sa likod ng bawat ulap
May anghel na papalakpak
Maaari na muling sabitan
Ng kadenang bulaklak itong daigdig
Upang kanyang kagandahay magbalik
Upang kanyang kagandahay
Magbalik