Tunay Na Yaman 歌词
Tunay Na Yaman - Various Artists
Written by:Vic Santos
Malasin mong mabuti ang mundong puno na ng libing
Mababanaag mong bawat daan hangganan ay bangin
Bakit pipilitin di ko abutin
Ang yaman ba nitong mundo ang tanging hangarin
Lahat ng bagay sa mundong ito tunay na lilipas
Liban sa isang bagay na kailanma'y di kukupas
Pagsikapan mong ito ay abutin
Pagkat walang hanggang buhay ang iyong kakamtin
Sa puso mo mananahan tunay na kayamanan
Hinihintay lamang nila kung siya'y iyong pagbubuksan
Tanging kay Hesus mo matatagpuan
Tunay na yaman magpakailanman
Lahat ng bagay sa mundong ito tunay na lilipas
Liban sa isang bagay na kailanma'y di kukupas
Pagsikapan mong ito ay abutin
Pagkat walang hanggang buhay ang iyong kakamtin
Sa puso mo mananahan tunay na kayamanan
Hinihintay lamang niya kung siya'y iyong pagbubuksan
Tanging kay Hesus mo matatagpuan
Tunay na yaman magpakailanman
Sinasabi ni Hesus tungkol sa yaman ng tao
Kung nasaan ito naro'n din ang iyong puso
Wag ka nang maging hangal
Pagkat maling yaman sayo ay sasakal