Panata 歌词
Panata - Dulce
Kahit pa ako'y maiwan mong nag-iisa
Kahit anong lungkot ang madama
Di ko matatangkang limutin ka
Sa piling ng iba
Pagkat panata ko
Ang laging nang maging tapat sayo
Hanggang ang panaho'y tumatakbo
Hanggang isilang pa muli ako sa ibang mundo
Ito ang panata ko
Ito ang panata ko
Kaya't humayo ka
Baguhin mo ito
Ako'y maghihintay sakaling hindi mo matagpuan
Ang bagay na di ko naibigay
Bawat himaymay ng aking laman
Puso ko't diwa ay sayo laan
Pati nang buhay ko kung kulang pa yan
Hanapin mo sa iba basta't lumigaya ka
Ito'y katuparan pa ng aking panata
Bawat himaymay ng aking laman
Puso ko't diwa ay sayo laan
Pati nang buhay ko kung kulang pa yan
Hanapin mo sa iba basta't lumigaya ka
Ito'y katuparan pa ng aking panata