Linawin Mo 歌词
Linawin Mo - Coritha
Kung nais mo nang umiwas bigkasin mo na
Sana'y linawin mo na linawin mo na
Dahil sa ako'y puno na sa iyong dahilan
Linawin mo na sabihin mo na hah ha
Huwag mo na akong itulad sa iyong pusong tigang
Na di nahabag di na nahabag
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Linawin mo na sabihin mo na hah hah ha
Maaalala mo rin ako
Minsan sa iyong pag iisa
Pag wala nang gabay sa dilim ng gabi
Isip ko'y lagi na lang naghihintay
Ng araw na di na matanaw di ko matanaw
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap
Huwag nang magdahilan pa ng iba
Linawin mo na ang isip ko'y di mapalagay
Sabihin mo wala nang magagawa
At di ako mapalagay
Maaalala mo rin ako
Minsan sa iyong pag iisa
Pag wala nang gabay sa dilim ng gabi
Doon ka magsisisi
Magtapat ka lang
Kahit ano pa maging ang iyong pasiya
Di hahahadlangan di na hahadlangan
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap
Huwag nang magdahilan pa ng iba
Linawin mo na ang isip ko'y di mapalagay
Sabihin mo wala nang magagawa
At di ako mapalagay