收听J-Black的Bigay Ka Ng Maykapal (Rap Version)歌词歌曲

Bigay Ka Ng Maykapal (Rap Version)

J-Black2022年4月23日

Bigay Ka Ng Maykapal (Rap Version) 歌词

Hindi ko naman akalain na

At di ko rin inaasahan pa

Na ang tulad mo ay aking makilala

At kung ano ako'y tanggap mo na

Hindi ka rin nag alinlangan pa

Ikaw at ako'y hanggang wakas

Ay tayo nang dalawa

Palagi kang laman ng isip ko

Laman ng bawat panaginip ko

Ikaw lang ang tinitibok

Nang puso kong ito

Lagi rin akong nagdarasal

Hinihintay kita ng kay tagal

Bigay ng maykapal

Ngayo'y abot kamay na kita mahal

 

Mula nung dumating ka nagkaron na ng kabuluhan

Ang buhay kong parang mali non meron ng katuturan

Salamat dahil ang mga dasal ko ay natugunan

Sarap nateng tignan na parang puto at dinuguan

Umasa kang ano man ang mangyare walang magbabago

Kahit araw-araw mo pa kong pahugasin ng plato

Mga halik mo'y nagaalis ng pagod sa maghapon

Pag ikaw ay nagtampo dadalhin kita sa watson

Ibibigay sayo lahat ng makakaya ko

Kahit araw araw masungit sa akin ang mama mo

Dahil sayo ay nagkaron nako ng lakas ng luob

Na humarap sa papa mo basta may dala kong bilog

Mahal kita kahit parang ayaw sakin ng yong magulang

Sino mang umagaw sayo'y aking ipapakulam

Sa dami ng mga kapeng natimpla ko mula non

Ngayon alam ko na kung kanino ko bumabangon

 

Palagi kang laman ng isip ko

Laman ng bawat panaginip ko

Ikaw lang ang tinitibok

Nang puso kong ito

Lagi rin akong nagdarasal

Hinihintay kita ng kay tagal

Bigay ng maykapal

Ngayo'y abot kamay na kita mahal

Wala nakong mahihiling pa ngayon kahit na ano

Sapat na sa akin ikaw ay palaging kasama ko

Kung pwede nga lang bawat minuto kang nasa tabi ko

Kaso lang baka magkaanak tayong labing pito

Ako'y alipin mo lahat ng utos mo ay gagawin

Maliban lang kung utusan mokong tumalon sa bangin

Kasama moko hanggang balat naten ay kumulubot

Di lang dahil sa pagtanda pati rin sa pagkukusot

Ng mga labahin naten na tila walang humpay

Wag kang magalala ako na rin ang syang mag sasampay

Pangako na sa piling ko ika'y magbubuhay prinsesa

Kahit kabayo ng plantsa lang ang ating kalesa

Sino mang sumira saten ay di ko papayagan

Dahil pag may nagtangka ako'y makikipag patayan

Sa dami ng mga kapeng natimpla ko mula non

Ngayon alam ko na kung kanino ko bumabangon

 

Palagi kang laman ng isip ko

Laman ng bawat panaginip ko

Ikaw lang ang tinitibok

Nang puso kong ito

Lagi rin akong nagdarasal

Hinihintay kita ng kay tagal

Bigay ng maykapal

Ngayo'y abot kamay na kita mahal

Palagi kang laman ng isip ko

Laman ng bawat panaginip ko

Ikaw lang ang tinitibok

Nang puso kong ito

Lagi rin akong nagdarasal

Hinihintay kita ng kay tagal

Bigay ng maykapal

 

Ngayo'y abot kamay na kita mahal