Listen to Tsinelas Sa Putikan song with lyrics from Gloc-9

Tsinelas Sa Putikan

Gloc-910 Nov 2014

Tsinelas Sa Putikan Lyrics

Tsinelas Sa Putikan - Gloc-9

Written by:Aristotle C. Pollisco

 

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

Barongbarong patongpatong

 

Bulok na bahay kalongkalong

Ng lupang 'di sa amin

 

Sakosakong dasal 'wag palayasin

Halohalong mga sana na nagka dikitdikit

Parang kapit mo sa gamit na nagka ilitilit

 

Maniningil na pagkakulitkulit

Sa kakarampot mong naipon na nagkapunitpunit

 

Lumang bente singkwenta maswerte kung isangdaan

Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan

Ng kalang sinilaban lutuang walang laman

Kaliwa o pakanan alam mo pa ba ang daan

Tinatapakan pinupulaan

Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang

 

Maraming nakaharang kahit magsabing paraan

Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

 

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

 

Sabay nating itataas ang layag

 

Sawangsawa ka na ba

Gusto mo nang magmura

Sumigaw umayaw

Bumitaw kung baga

Tila kumupas na'ng mga guhitguhit

Sa mga palad ang hiling ay hindi madinigdinig

Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid

Walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig

Kumandirit dahil baka may magising nakakahiya

Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba

Kumayod na parang wala kang karapatang humiga

Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha

Tinatapakan pinupulaan

Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang

Maraming nakaharang kahit magsabing paraan

Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

 

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

 

Ilakad ang tsinelas sa putikan

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

 

Sabay nating itataas ang layag