Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa Lyrics
Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa - Gina Francisco/Louie Eslao
Lyrics by:Andres Bonifacio
Composed by:Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa
Ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig
Sa tinubuang lupa
Alin pag-ibig pa
Wala na nga wala
Walang mahalagang
Hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa
Bayang nagkupkop
Dugo yaman dunong
Katiisa't pagod
Buhay ma'y abutin
Magkalagot-lagot
Ang nangakaraang
Panahon ng aliw
Ang inaasahang
Araw na darating
Ng pagka-timawa
Ng mga alipin
Liban pa sa bayan
Saan tatanghalin
Sa aba ng abang
Mawalay sa Bayan
Gunita ma'y laging
Sakbibi ng lumbay
Walang ala-alang
Inaasam-asam
Kundi ang makita'ng
Lupang tinubuan
Ngayong nalagasan
Ng bunga't bulaklak
Kaho'y niyari'y buhay
Na nilanta't sukat
Ng bala-balakit
Makapal na hirap
Muling manariwa't
Sa baya'y lumiyag
Ipagka-handog-handog
Ng buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo't
Ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol
Buhay ang kapalit
At ito'y kapalaran
At tunay na langit
Aling pag-ibig pa
Ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig
Sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa
Wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig
Sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa
Wala na nga wala