Inay Lyrics
Inay - Susay Valdez
Written by:Arnel Aquino/SJ
Sa mahinahon paalam ng araw
Sa pag ihip ng hanging kahaponan
Balabal ko'y init ng 'yong pag ibig
Sa dapit hapong kay lamig
Mga bituin kay agang magsigising
Umaandap mapaglaro man din
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko't panalangin
Puso ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong anak
Ay irog kong inay
Sa palad niyo itago aking palad
Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat
Sa piling ng inyong anak
Puso ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong anak
Ay irog kong inay
Pusoy ko'y pahimlayin inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong anak
Ay irog kong
O ina kong mahal
Ay irog kong
Inay