Minsan Minahal Ay Ako Lyrics
Minsan Minahal Ay Ako - Aiza Seguerra
Written by:Ryan Cayabyab
Ano na lang
'Yung 'sang sandali
Na makatikim
Ng pagmamahal
Matapos ang luhang ipinagpalit
Ang sandali
'Di naman magtagal
Ang yakap mo'y hahanap-hanapin
Akala ko
Ang mundo na ay akin
Ngunit hindi pala ganyan
Kay bilis makalimutan
Na minsan ang minahal
Ay ako
Ano na lang
'Yung kaunting pasakit
Kung katumbas ay pagmamahal
Pag-ibig mo ay aking langit
Kahit buhay ko ay handang isugal
Ang himig mo'y aking aawitin
Habang ako'y kakailanganin
At kung ako'y iyong saktan
Ito ma'y gagawing dahilan
'Pagkat minsan ang minahal ay ako
Ang lingap mo ay hahanap-hanapin
Sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan
Kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan
Bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako
Ang lingap mo ay hahanap-hanapin
Sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan
Kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan
Bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako
Iyo sanang matandaan
Bago tuluyang lumisan
Na minsan ang
Minahal
Ay ako