Listen to Ang Aking Kubo song with lyrics from Gary Granada

Ang Aking Kubo

Gary Granada1 Feb 2012

Ang Aking Kubo Lyrics

Ang Aking Kubo - Gary Granada

Written by:Gary Granada

 

Ang aking kubo sa tabindagat

Dingding ay pawid bubong ay nipa

 

Sa palibot may mga halaman

 

At bakod na gawang kawayan

Gayak ng kubo ay kalikasan

Ang kabukiran ang buwan at bituin

Pinapayungan ng punongkahoy

Iniihipan ng sariwang hangin

 

Sa aking kubo'y may paralumang

Sa aking puso'y nakalarawan

At sa pagtulog ay mayrong rosas

Na niyayakap ko't hinahagkan

Ang aking kubo'y dalampasigang

Sa along tulad ko'y inaasam asam

Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit

Sa isang palasyong walang pagibig

 

Ganyan ang kubo ganyan ang buhay

Minsa'y tatawa ka minsa'y malulumbay

May pagdiriwang may kalungkutan

Laging nangungutya ang kapalaran

May mga sandaling akala mo'y langit

Ngunit paggising pala'y panaginip

Kaya kailangang sa gabi't araw

Didiligin ang kubo ng pag ibig

 

Sa aking kubo tuwing takipsilim

 

Lumang gitara'y aking kapiling

 

Mga awiting di malilimutan

Mga harana at mga kundiman

Ang aking kubong pangkaraniwan

Di man kastilyo ngunit paraiso

 

Kahit na mukhang bahaybahayan

Ang aking kubo'y isang tahanan

 

Ganyan ang kubo ganyan ang buhay

 

Minsa'y tatawa ka minsa'y malulumbay

May pagdiriwang may kalungkutan

Laging nangungutya ang kapalaran

May mga sandaling akala mo'y langit

Ngunit paggising pala'y panaginip

Kaya kailangang sa gabi't araw

Didiligin ang kubo ng pag ibig

 

Sa aking kubo tuwing takipsilim

 

Lumang gitara'y aking kapiling

Mga awiting di malilimutan

Mga harana at mga kundiman

Ang aking kubong pangkaraniwan

Di man kastilyo ngunit paraiso

Kahit na mukhang bahaybahayan

 

Ang aking kubo'y isang tahanan

 

Kubong kaylanma'y di ko ipagpapalit

 

 

Sa isang palasyong walang pagibig

Popular Songs