Ala-Ala Ay Ikaw Lyrics
Alaala Ay Ikaw - Eddie Peregrina
Malilimutan ko pa ba aking mahal
Ang maligayang araw nating nagdaan
Habang ako'y nag iisang nalulumbay
Ang ala ala ay ikaw
Ang ating suyuang walang kasing tamis
Sa gunita pala ay ubod ng pait
Ang nagtampong pag ibig mo'y di ko batid
Kung minsan pang magbabalik
Kaya wala nang nalabi sa dibdib ko
Kundi ang alaala ng pag ibig mo
Asahan mong hindi kana mawawala
Dito sa aking gunita
Malilimutan ko pa ba aking mahal
Ang maligayang araw nating nagdaan
Habang ako'y nag iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw
Habang ako'y nag iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw